Sa isip, sa salita at sa panulat

  1. Search
  2. About
  3. tinanong mo si mhar?
  4. Share tayo
  5. Subscribe
  6. Archive
  7. Random

Sa isip, sa salita at sa panulat

Campus journalist, pilosopo, kartunista, manunulat, kritiko ng kung anu-anong kagaguhan, at Self-acclaimed na lay-out artist, graphic designer, pintor at musikero. Ang nangangarap maging arkitekto ngunit nakalatag ang kinabukasan sa pag-nanars (nurse), isang simpleng taong humihingi ng lubos na katahimikan sa mundo gamit ang makabuluhang tinta ng bolpen at patag na papel. Tunay na nagmamalasakit sa pagkapantay-pantay ng lahat.

Isang batang isinilang at hinubog upang maging tunay na alagad ng sining.

  • yung feeling na parang gusto mo nalang mawala na parang bula? di mo man alam kung saan pupunta mga particles mo pero atleast di ka na visible by the naked eye! ito yung tipo ng mga pagkakataong badtrip ka na, dinurog ka pa.

    Posted on January 26, 2012

  • bakit kaya may mga taong ang hirap intindihin… sila na ang may kasalanan, sila pa ang galit, sila pa ang may nasasabing kung anu-anong masasama… sh*t diba? ganun ka ba? magbago ka na.

    Posted on January 18, 2012

  • ajoshnamedlee:

Air Force Ones: Rizal Tribute

ASTIG!!

    ajoshnamedlee:

    Air Force Ones: Rizal Tribute

    ASTIG!!

    (via filipinoswithoutborders)

    Posted on January 18, 2012 via Eagle’s eyes, Turtle’s vision . .

    Source: ajoshnamedlee

  • gangbadoy:

Tumpak.  From an article by Jessica Hagy, contributor www.Forbes.com  

    gangbadoy:

    Tumpak.  


    From an article by Jessica Hagy, contributor www.Forbes.com 



     

    Posted on January 18, 2012 via abashet/ with 136 notes

    Source: gangbadoy

  • “Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lng ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.” -Ricky Lee

    -ikaw kaya? kasama ka kaya sa quota?

    Para kay B

    Posted on December 26, 2011

  • Merry Christmas mahal ko :)

    Posted on December 26, 2011

  • MERRY CHRISTMAS!!!!

    Posted on December 24, 2011

  • Kung wala rin lang Akong Magawa

    Naramdaman mo na ba yung tipo ng pakiramdam na pagkagising mo ayaw mong bumangon, sisigaw yung nanay mo ng “maglinis ka nga kanina ka pa nakahilata… blah blah blah…” gutom ka pero ayaw tumayo, walang nakahandang almusal sa alas dyis ng umaga, wala kang ganang magluto pero gusto mong kumain, na nakakapagimagine ka na ng kung anu-anong high-tech at imposible pang kagamitan (yung klase ng bagay na may robot na ipoprovide lahat ng pangangailangan mo kahit nakaupo ka lang buong araw). Hindi na makatulog, para bang kahit ipikit mo yung mata mo e eyelids mo na mismo ang dumidilat?? Basag. Wasak. Durog. Masakit pa sa ulo ang biglaang pagbangon, hindi makapagsalita buhat sa natuyong laway, masakit pa ang mata sa mga namumuong mutang hindi nakikisama sa pagkumbinsi mo sa sarili mong dumilat, lukot na lukot ang kumot kong hindi ko na maitupi ng maayos, ayoko na! Tinatamad ako!!

    KATAMARAN… yan ang “sinasabi” nilang sakit ko. Ewan ko ba? Nurse na ko isang taon pamuhat ngayon (sana Lord :) ) pero wala pa kong naeencounter na pinagaralan namin tungkol sa katamaran. Tamad syndrome? WALA! Lazy disease? WALA SURR!! Tamaditis?? WALA! SOBRANG WALA! AS IN!! Kaya wala akong makitang dahilan kung paano nila nasasabi na may sakit ako. DI ko tuloy alam kung kailangan kong mag-pacheck up, o bumili ng kung anu anong generic na gamot para mawala yung sinasabi nilang sakit ko. Nakaka-alarma! Baka malala na kasi marami nang nakakapuna. Baka kasi may physical manifestations na silang nakikita na hindi ko napapansin, o baka naman may kakilala na silang namatay dahil dito. Gaano na ba kalala katamaran ko? Anong stage ko na kaya?

    “Mas ok na ang tamad… Hindi ka naman pagod!” 

    -Mga tambay sa kanto

    Logically, ASTIG! at sinasaluduhan ko ang tambay na nagisip nito! Isipin mo lang ano? Oo nga naman, na kapag pagod ang mga tao kung anu-ano pang bagay ang pinagsasabi nila, nagdadadak-dak kasi pagod na sila, tagaktak pawis, at halos di na mahabol ang hininga. Kapag nagtagal ay sasakit ang katawan, hindi ka makakatayo o makakagawa ng maayos, at lahat ng reklamo aanihin ng makakarinig sayong pagod ka o napagod ka!

    Hindi ka ba napapagod mapagod? kasi ako?… 

    tinatamad na ring maging tamad…

    Kaya nga ako nagsusulat nito ngayon. Sa katunayan kasi tinatamad rin akong magsulat at kahit gumawa ng account dito sa tumblr, siguro dahil sa sobrang curiosity at pagudyok ni Archieval Caluya (malapit na kaibigan) ay sinipag akong gawin ang isang nakakatamad na bagay na ito. Pero masarap rin sa feeling nu? Na kahit walang katuturan ang mga pinagsasasabi ko e nagkaroon ng kahulugan ang oras na ginugol ko rito sa isang maliit na kahon na parang Microsoft Word… na kasi kahit papaano… sinipag ako. Imbis na buong bakasyon akong maging batugan at pabigat dito sa bahay namin, mas ok muna siguro ‘to… kung wala rin lang akong magawa.

    Posted on December 24, 2011

  • 
may nakakarinig, nakakakita, at makapagiisip na pwede nilang sabihin… hindi dahil hindi pantay pantay ang katayuan sa buhay ng bawat tao ay sila na ang may karapatang magsalita ng kung anu-ano mang kabauhan ng iyong katauhan… gumising ka sa katotohanang may mata ka rin, nakikita ang bawat galaw nila, ilong na sapat para maamoy ang baho nila, tengang nakaririnig ng matatalim nilang salita, utak upang tulungan kang timbangin lahat ng bagay, at bibig para isambulat lahat ng pwede nilang malaman tungkol sa kabahuan ng kanilang pagkatao… samakatuwid ay tao ka ring tulad nila… naglalakad, naggsasalita, nakakakita, sa mundong kinatitirikan ng mga taong nasa itaas… wag kang magpaloko, wag kang papaapi, wag kang papauto, wag kang papakain sa bulok na sistema.

    may nakakarinig, nakakakita, at makapagiisip na pwede nilang sabihin… hindi dahil hindi pantay pantay ang katayuan sa buhay ng bawat tao ay sila na ang may karapatang magsalita ng kung anu-ano mang kabauhan ng iyong katauhan… gumising ka sa katotohanang may mata ka rin, nakikita ang bawat galaw nila, ilong na sapat para maamoy ang baho nila, tengang nakaririnig ng matatalim nilang salita, utak upang tulungan kang timbangin lahat ng bagay, at bibig para isambulat lahat ng pwede nilang malaman tungkol sa kabahuan ng kanilang pagkatao… samakatuwid ay tao ka ring tulad nila… naglalakad, naggsasalita, nakakakita, sa mundong kinatitirikan ng mga taong nasa itaas… wag kang magpaloko, wag kang papaapi, wag kang papauto, wag kang papakain sa bulok na sistema.

    Posted on December 24, 2011

  • thefamemonsterrrr
  • rarivera
  • anabriones
  • gangbadoy
  • jokoness
  • filipinoswithoutborders
  • pinoytumblr
  • yourextravagantlove
  • verabautista
  • staff
  • iheartclassics
  • ramonbautista
  • warespejo
  • pasigmom
  • thoughtbot
  • iamsuperjamjam
  • bigredsunglasses
  • marygrace34567
  • someplacewherenooneknowsmyname

Field Notes Theme. Designed by Manasto Jones. Powered by Tumblr.